Pages

Wednesday, October 13, 2010

0 The Anti-Theory

Just wanna share some interesting thought on my recent discourse with Joseph Saguid.

JS: Ginoong Pisuena, huwag sana ninyong masamain, ngunit lagpas na ako sa pagti-teorya-teorya. At mababanggit ko lamang muli ang mga bagay na iyan sakaling nagtuturo na ako sa kolehiyo (dahil iniisip ng akademya na mahalagang malaman ng isang estudyante ang mga tangka ng pagpapaliwanag ng iba't ibang penomenon sa mundo). Sa huli, ano nga ba ang teorya kundi isang ehersisyo ng pag-angkin? ng pagpapangalan ng isang paliwanag? At matapos nating malaman, sa pamamagitan ng maka-Kaliwang ideolohiya na MALI AT MASAMA ang KAPITALISMO dahil OPPRESSIVE ito sa mga manggagawa at sa maliliit na tao, nasaan tayo ngayon? Narito sa lungsod at patuloy na pinagsisilbihan ang ating pagnanasang umangkin, yumaman, magkaroon ng "sariling pangalan." Sagutin mo ako ngayon, Ginnong Pisuena, kung ano ang napapala natin sa pagiging aral natin sa teorya? Sa huli, ang teorya ay mga salita lamang na hindi, hindi natin kailanman kayang gawin o sundan, gaano man nito ibinubulgar ang estruktura ng isang sistema at lipunan na mapang-api.


Artslave: natutuwa ako at nabanggit mo ang diskursong ito. ang usapin sa teorya ay bihirang bigyang-pinsan sa ating payak na pamumuhay. sang-ayon ako na ang pagte-teorya ay isang paraan ng pag-aangkin. isang elitistang ehersisyo ng pagpapaliwanag ng mga penomenon upang mapabilang sa hanay ng mga naghahariang-uri. saludo ako sa iyong adhikain, naway marinig ang boses mo ng mga akademyang nagpapakitang-gilas at dalangin ko ang kamatayan ng idealismo at pagsilang ng bagong perspektibo sa pagbabago. 'Wag kang magalit sa kin, kaagapay mo ako sa iyong landas. Nagmamahal... Gian Carlo


JS: Tama yan, nasa edad na tayo pagkalipas ng teorya. Sa huli, walang teoryang makapagtuturo sa atin kung paano maging tao. At iyon ang pinakaimportante: ang maging tao, ang magpakatao. Sa huli, walang kuwenta kung gaano karami ang alam mong teorya. Maraming tao na walang teorya ng "pagiging mabuti", ngunit napakabuti. Ano ang binatbat dito ng isang taong aral sa mga teorya ng "pagiging mabuti" ng tao, ngunit hindi naman nagpapakabuti?

0 comments:

Post a Comment

 
Follow my blog with bloglovin